Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa mga microfiber bed sheets na pet hair-resistant daw. Sabi nila, gawa sa super pinong fibers—mas manipis pa sa hibla ng buhok ng tao—kaya hindi gaanong kumakapit ang fur ng mga alaga. Medyo skeptical ako nung una, pero curious din. Kaya nag-pitch ako sa Slow Days, a proudly Filipino brand na certified pa ng Philippine Textile Research Institute. Alam ko na agad—worth trying ‘to.
Simula March this year, ito na ginagamit namin at pinapalitan every 2-3 weeks. In fairness, iba pala talaga siya sa mga dati kong bed sheets.
Bakit Ko Siya Nagustuhan?
Fur-Resistant
Karamihan sa ating mga pet owners, ang problema ay balahibo sa kama. Para sa akin naman, medyo visible pa din ang fur, pero ang bilis alisin! Gamit lang daliri—walang lint roller needed. ‘Yung texture ng tela parang hindi talaga pinapayagan dumikit ang balahibo. This is also the reason why I chose the bloody red shade para kitang-kita. In fairness, Effective!
Scratch-Proof at Wrinkle-Free
Parati ko nakikita ko ang dog ko na akmang ini-scratch pa nya ang bedsheet pero hanggang ngayon wala pa ring butas or himulmol. Saka kahit hindi ko pinapaplantsa, ang ayos pa rin tingnan. Yung ginagawa ko ay mabilisan na hawi ng ng kamay, okay na!
Eco-Friendly Packaging
Bilang isang indibidwal na conscious sa mga singe plastic consumption, hands down din ako sa Slow Days kasi sustainable. Dumating siya sa cloth bag na gawa sa leftover tabas—no bubble wrap, no waste. Ang galing!
Ready to Use + No Strong Odor
Nakakatuwa na hindi ko na kailangang labhan siya muna bago ko gamitin. Dumating siya kasi pre-washed na at walang amoy-pabrika. What a thoughtful move lalo na kung super excited na ang customer na gamitin pag ka-receive nito like me haha!
Generous Size & Stylish Options
Pinatong ko sa sa dalawang pinagdikit na queen beds ang bed cover, and surprisingly, kaya niyang takpan hanggang ilalim. May iba’t ibang kulay rin depending sa vibe ng room mo.
Verdict
Medyo mas mahal siya kumpara sa usual bedsheets, pero kung may aso kang natutulog sa kama mo (kahit ilang oras lang sa gabi, gaya ng dog ko), sobrang sulit siya. Hindi lang siya fur-resistant, hypoallergenic pa, matibay, at earth-friendly.
Sa ngayon, hindi pa sya available sa Lazada/Shopee/Tiktok. Direct order po sila. You can check their links below for faster assistance sa baba:
Slow Days Facebook Fan Page https://www.facebook.com/shopslowdays
Slow Days Instagram: https://www.instagram.com/shopslowdays/
Slow Days email: shopslowdays@gmail.com
No comments