2 WFH Sisters and 1 Dog Sharing Our Travels in Bicol and Manila

Slow Days Fur-Resistant Bed Sheet Review: Pet Owner-Approved and Proudly Filipino Made!

slow days bed sheet review

Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa mga microfiber bed sheets na pet hair-resistant daw. Sabi nila, gawa sa super pinong fibers—mas manipis pa sa hibla ng buhok ng tao—kaya hindi gaanong kumakapit ang fur ng mga alaga. Medyo skeptical ako nung una, pero curious din. Kaya nag-pitch ako sa Slow Days, a proudly Filipino brand na certified pa ng Philippine Textile Research Institute. Alam ko na agad—worth trying ‘to.

Simula pa March, ginagamit na namin siya at pinapalitan every 1–2 weeks. In fairness, iba siya sa mga dati kong bed sheets.


petfriendly bedsheets lazada



Bakit Ko Siya Nagustuhan?

Fur-Resistant
Ang dami sa atin, lalo na pet parents, ang problema ay balahibo sa kama. Sa experience ko, mas visible nga ang fur, pero ang bilis alisin! Gamit lang daliri—walang lint roller needed. ‘Yung texture ng tela parang hindi talaga pinapayagan dumikit ang balahibo. I chose the bloody red shade para kitang-kita. Effective!


Scratch-Proof at Wrinkle-Free
May ilang beses nang nag-scratch ang dog ko sa bedsheet—wala pa ring butas or himulmol hanggang ngayon. Kahit walang plantsa, ang ayos pa rin tingnan. Minsan hawiin mo lang ng kamay, okay na!


Eco-Friendly Packaging
Hindi ko na kailangang mag-alala sa mga plastic. Dumating siya sa cloth bag na gawa sa leftover tabas—no bubble wrap, no waste. Ang gaan sa loob bilang consumer na concerned din sa environment.


Ready to Use + No Strong Odor
Sobrang aliw ko na hindi ko na kailangang labhan agad. Pre-washed na, walang amoy-pabrika. Ginamit ko agad after unboxing!


Generous Size & Stylish Options
Gamit ko siya sa dalawang pinagdikit na queen beds, and surprisingly, kaya niyang takpan hanggang ilalim. May iba’t ibang kulay rin depending sa vibe ng room mo.


slow days ph bed sheet review



Verdict

Medyo mas mahal siya kumpara sa usual bedsheets, pero kung may aso kang natutulog sa kama mo (kahit ilang oras lang sa gabi, gaya ng dog ko), sobrang sulit siya. Hindi lang siya fur-resistant, hypoallergenic pa, matibay, at earth-friendly.

 
Sa ngayon, hindi pa sya available sa Lazada/Shopee/Tiktok. Direct order po sila. You can check their links below for faster assistance sa baba:

Slow Days Facebook Fan Page https://www.facebook.com/shopslowdays
Slow Days Instagram: https://www.instagram.com/shopslowdays/
Slow Days email: shopslowdays@gmail.com


No comments